PAGKILALA

Ang pananaliksik na ito ay hindi magiging matagumpay kung hindi dahil sa ilang taong tumulong at nagbigay ng kanilang talino at kakayahan upang maisagawa ito. Dahil dito, nais ng mga mananaliksik kunin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa kanila. Nais ng mga mananaliksik na magpasalamat unang una sa kanilang propesor sa pagbibigay ng kanyang panahon upang maibahagi ang kanyang mga kaalaman. Nais rin ng mga mananaliksik na magpasalamat sa kanilang propesor sa pagbibigay ng pagkakataong ito upang makapagbahagi ng pananaliksik sa iba’t-ibang larangan. Nais rin nilang magpasalamat sa kanilang mga kagrupo na tumulong sa paggawa ng pananaliksik na ito at ginawa ang lahat upang magawa at matapos ang kanilang parte sa proyektong ito. Nagpapasalamat din ang mga mananaliksik sa kanilang pamilya sa pagpapaubaya at pagbibigay ng kani-kanilang mga pangangailangan, pinansyal man o emosyonal. At sa suportang kanilang ibinigay habang isinasakatuparan ang pananaliksik na ito. At higit sa lahat nais magpasalamat ng mga mananaliksik sa Diyos sa pagbibigay sa mga sa mga mananaliksik ng kakayahan upang matapos ang pananaliksik na ito. Sa pag-gabay sa kanila habang ginagawa ito at sa pag-gabay sa kanila sa mag problemang kanilang hinaharap habang tinatapos ito.
  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • Twitter
  • RSS

0 Response to "PAGKILALA"

Post a Comment

Followers